*sings* excited na ako syempre dahil sa'yo simbang gabi, simbang gabi (magsisimbang gabi kami) *puffs* aww.. malapit na ang pasko! haha. tagalog eh. PASKO!!!!!! hahahaha. mas ok ang pasko pag may kasama ka. pag kompleto kayo ng pamilya mo, kasama mo ang barkada, o kaya mas matindi e pag kasama mo yung taong nagpapasaya sa'yo.. yung taong mahal mo. "last year sinong kasama mo nung simbang gabi?" ayos! yan yung conversation namin nung 25th (last friday, one month to go before christmas). tamang pinagplanuhan na diba?! ang saya nun! kasama mo ang mahal mo bago pa lang mag-pasko. eh paano pag hindi mo mahal yung kasama mo? "shit. magkausap kami kagabi." wow eh. hindi mo gusto makita, pero yun ang nakita mo. hindi yun ang hinahanap mo, pero yun ang andyan para sa'yo. ganoon talaga yung feeling kapag hindi mo mahal yung isang tao. hanggat pwede mong iwasan, iiwas ka. pero ang hirap din naman nilang iwanan, hindi dahil sa magpapasko. mahirap, kasi makakasakit ka. bakit ngayon ba sa tingin mo hindi sila nasasaktan sa ginagawa mo? ako kasi, alam kong nakakasakit ako ng ibang tao. lahat nung pag-iwas ko, yung pagwawalang bahala ko sa kanya.. alam ko nasasaktan ko siya sa lahat ng yun. hindi ako manhid. alam ko yung mga panggagago ko. pero hindi ko pa rin kasalanan eh. bakit kamo? wala naman kasi siyang ginagawa para mahalin ko siya. kung may effort man siya, kulang pa eh. pinilit ko namang makaramdam ng kahit konting magic samin eh, pero kahit spark kasi wala. kaya nga nakipagbreak ako. pero ayaw niya ako i-let go. so anong gagawin ko? ipipilit ko na wala na kaming pag-asa? edi ayun.. sabi ko, sige isa pa. ayan may chance pa ulit. pero hanggang ngayon wala pa rin eh. 4 months na kami at wala pa rin akong maramdaman, kaya hindi ko kasalanan kung may iba ako. at yung iba na yun ang nagpapasaya sakin. "samahan mo ko mag-sm" umiiwas din naman ako minsan eh. umiiwas ako na masaktan ko siya. na kahit gusto kong mas makasama yung taong gusto ko talaga makasama, naiisip ko pa rin siya. kasi mali. kasi kami pa. taena naman kasi. bakit ba kami pa? o bakit ba naging kami pa? at sino nga bang pipiliin ko? yung taong mahal ako pero hindi ko maramdaman? o dun ako sa taong mahal ko at pinapasaya ako? nakakagago yung tanong pero yun kasi yung nangyayari eh. *sings* "......Nandito lang ako maghihintay, Lagi mong tatandaan"
kasama na naman kita hanggang sa mag-umaga
simbang gabi, simbang gabi (magsisimbang gabi kami)
"ako lang."
"oh ikaw lang mag-isa?"
"oo."
"bakit?"
"burden kaya ang may kasama. antayan pa lang badtrip na. tapos hindi ka pa makakapagconcentrate."
"nakakatuwa ka rin naman eh. minsan religious ka, minsan naman matalino ka, minsan matino ka..."
"oo ganun talaga ako"
"teka hindi pa ko tapos. lahat yun minsan lang."
"hindi kaya!"
"haha. minsan lang nga."
"ui sa 16 ah.."
"oh kala ko ba burden yun? "
"hindi. iba yun. basta pag magsisimba tayo dapat from the heart, ayy from your heart"
"ewan. anong pinagkaiba nun?"
"basta from your heart saka from the heart"
"oo na. sige na matutulog na ko. anong oras na!"
"bakit?"
"bakit ano?"
"bakit.... bakit nga ba kita pinipigilan?"
"haha sige na bye"
"bye.."
"nino?"
"ng mahal ko. LOL. haha."
"haha. mahal?.. ah si ano?"
"oo siya. ayun magsisimbang gabi kami (singing tone)"
"haha. parokya.. eh teka paano si.."
"edi magsimba siya mag-isa. o kaya magsama siya ng iba. bakit hindi ba siya makakapagsimba ng wala ako?"
"speaking of.. ayun oh!"
"tae. hindi naman siya ang hinahanap ko"
"haha. destined kayo magkita ngayon!"
"pasok na nga tayo!"
"teka, ayaw mo antayin?"
"grr.."
"huh? pupunta ako sa kanila mamaya"
"eh gagawin ka lang nung slave"
"ewan sayo.."
"dito ka na lang magpunta"
"hindi pwede."
"bakit?"
"naka-oo na ko kagabi sa kanya"
"samahan mo na lang ako, mas masaya ka naman sakin ah"
"haha. paano mo naman nalaman?"
"kung tatlo kayo sa isang bangka sinong pipiliin mo, yung taong mahal ka o kung san ka masaya?"
"lol. kakornihan mo nanaman"
"sa text kaya yun!"
"oo mushy mushy.. tae ang korni mo talaga"
"hahaha.. oh ano sama ka na sakin?"
"hindi talaga."









0 Comments:
Post a Comment
<< Home