this is our 9th day.
....
simula nung una kitang nakilala sa bus dahil sa pang-aasar ko.
simula nung lagi kayong nakatambay sa room namin or inaantay niyo kami papuntang hall.
simula nung ikaw yung kumukuha ng food ko para mareserve ko yung table na makakatabi kayo samin.
simula nung pagbuhat mo sa bag ko pauwi at pagtabi sa trip.
simula nung gaguhan natin after nung retreat.
simula ng lahat ng ginagawa mo at lahat ng ginusto ko sa'yo na masasabi kong nahuhulog na ko sa'yo kahit ilang days pa lang.
simula nga lang lahat ng yon eh pero bakit bigla ka na lang nawala?
nakakagago ka naman eh!
sana hindi mo na lang sinabi yon.
sana hindi mo na lang pinaramdam yon.
sana nanahimik ka na lang nung simula pa lang.
sana hindi ka na nagpakilala.
sana hindi ka na lumapit.
at sana hindi na kita ginusto.
o sana hindi kita minahal ng ganito kabilis.
nakakaasar.
nakakaiyak.
nakakagago.
tama sila eh,
mahal na nga kita kaagad.
taena naman oh.









0 Comments:
Post a Comment
<< Home